Wednesday 10/03/12

Atlast
Tumilaok na ang tandang, ngunit ang araw ay nagkukubli,

Ako'y bumangon at nanalangin ng isang dasal kahit maikli

Naghilamos at kumain na kadalasa'y aking ginagawa

Handa na ako sa pagpasok, pagsunod ang tangi kong magagawa

 

Isang gawain sa paaralan

Nagbigay sa'kin ng kahalagahan

Kagandahang asal at paniniwala

Sa puso ninuman di mawawala

 

Masamang panahon na sumira sa klase,

marahil nagdulot ng pagkakasuspinde 

Hatid nito'y kagalakan sa bawat estudyante

Mga ngitian kayang umapot sa ere

 

Ako'y tumambay muna sa bahay ng pinsan ko

Doon naghintay ng aking sundo

Na syang naghatid sa aaming bahay

Para ako'y makahimlay

Posterous theme by Cory Watilo