Thursday 09/27/12

800px-auto_racing_white
Muli kong nasilayan ang Bukang liwayway,

Munti kong panaginip saki'y di mawawalay,

Nagdasal ako ng mataimtim, Panginoon nawa ako'y gabayan

Sa pagtungtong ko sa paaralan, sa paglakad ko'y sabayan

 

Isang mahabang pagsusulit,

Sa hirap ako'y namilipit 

Ngunit mga katanungan binigyang kasagutan

Pagsubok na di rin nagtagal aking nalampasan

 

Sa aking paghihintay sa sundong paparating

Mga Kamag-aral ni Sean sa kanilang bahay ay nagsipagdating

Nagtapos ang araw ng maraming takdang aralin

na aking sasagutin upang marka'y makamtin

Posterous theme by Cory Watilo