Sunday 09/30/12

Chuuu

Ito ang araw ng pasasalamat

Sa Diyos, ako'y nanalig ng tapat

Nanalig ako ng buong kagalakan

At pagmamahal sa araw na nagdaan

 

Ako'y nagtungo sa simbahan,

Bitbit ko ng may kalakasan

Upang magpasalamat sa mga biyaya,

at pagpapalang sa aking buhay ay dinala

 

Nanood akong sa'king paboritong palabas

Parang nagbigay sa'kin ng kakaibang lakas

Hangga't dinatnan ako ng antok, tila hapo na

Isang araw ang nagtapos na puno ng ganda

Posterous theme by Cory Watilo