Monday 10/01/12

Gfgghf
Nagtapos ang takipsilim

Mula sa aking pagkaidlip

Panalangin ang aking alay

Sa gawain saki'y naghihintay

 

Gising! aking nakababatang kapatid,

Sang sasakyan sa'tin maghahatid

Tanda ko ang bili ni Inay at Itay

Sa nakababatang kapatid ay gumabay

 

Isang bagong araw at pag-asa

Sa paaralan kong sinisinta

Ang aking pangalawang magulan sa'kin nagturo

Mga aralin aking isasapuso't isasaulo

 

Isang araw ang lumipas an muling nagtapos

Kalakip ko ang turo sa aki'y nakagapos

Ngunit ang araw ko'y dito'y di nagwakas

Isang bagong hamon para sa araw ng bukas 

Posterous theme by Cory Watilo