Friday 09/28/12
Tunog ng Orasan ang siyang gumising
Mula sa aking pagkahimbinig
Buong pusong nanalangin,
Kahilingan ko'y dinggin
Sa aking pagpasok, Bilin ni Inay aking dala-dala
Mga turo at aral kailanma'y di nawawala
Isang matematikong pagsusulit ang naganap
Mga kasagutan unti-unti kong nahahanap
Palaisipan sa aking wari ko'y nagtatatnong
Ang akaalaman na dapat punan sa bawat saknong
Marahil ito'y hindi isang pahulaan
Tagisan ng kalinuha't kaalaman
Umuwi akong may kagalakan
Ngiing Kailanma'y di matatawaran
Sa aking pagtulog muli akong nagpasalamat
Magagawa lahat kapaga si Hesus ay kaakibat
