Wednesday 10/03/12

Atlast
Tumilaok na ang tandang, ngunit ang araw ay nagkukubli,

Ako'y bumangon at nanalangin ng isang dasal kahit maikli

Naghilamos at kumain na kadalasa'y aking ginagawa

Handa na ako sa pagpasok, pagsunod ang tangi kong magagawa

 

Isang gawain sa paaralan

Nagbigay sa'kin ng kahalagahan

Kagandahang asal at paniniwala

Sa puso ninuman di mawawala

 

Masamang panahon na sumira sa klase,

marahil nagdulot ng pagkakasuspinde 

Hatid nito'y kagalakan sa bawat estudyante

Mga ngitian kayang umapot sa ere

 

Ako'y tumambay muna sa bahay ng pinsan ko

Doon naghintay ng aking sundo

Na syang naghatid sa aaming bahay

Para ako'y makahimlay

Tuesday 10/02/12

Ggggggggdd
Sumikat ang araw sa Kanluran

Isang hamon saki'y nakalulan

Mga gawain sa paaralan sa'king nakaatas

tiwala't paniniwala di kailan magwawagas

 

Lakas na loob sa paggawa ng ulat sa'kin humimok,

Tila isang tanikalang sa'kin marahil sumusubok

Pagkakaibigan at pagsasamahan di mapapantayan,

Sa puso ko di nawawala at mawwagli't kailanpaman

 

Muling nagtapos ang oras ng pag-aaral.

Salamat sa'king magulang na nagpagal

Sa aking pagtulog dalangin ko'y isang magandang bukas

Nawa'y gabayan ako at bigyan katatagan at lakas

Monday 10/01/12

Gfgghf
Nagtapos ang takipsilim

Mula sa aking pagkaidlip

Panalangin ang aking alay

Sa gawain saki'y naghihintay

 

Gising! aking nakababatang kapatid,

Sang sasakyan sa'tin maghahatid

Tanda ko ang bili ni Inay at Itay

Sa nakababatang kapatid ay gumabay

 

Isang bagong araw at pag-asa

Sa paaralan kong sinisinta

Ang aking pangalawang magulan sa'kin nagturo

Mga aralin aking isasapuso't isasaulo

 

Isang araw ang lumipas an muling nagtapos

Kalakip ko ang turo sa aki'y nakagapos

Ngunit ang araw ko'y dito'y di nagwakas

Isang bagong hamon para sa araw ng bukas 

Sunday 09/30/12

Chuuu

Ito ang araw ng pasasalamat

Sa Diyos, ako'y nanalig ng tapat

Nanalig ako ng buong kagalakan

At pagmamahal sa araw na nagdaan

 

Ako'y nagtungo sa simbahan,

Bitbit ko ng may kalakasan

Upang magpasalamat sa mga biyaya,

at pagpapalang sa aking buhay ay dinala

 

Nanood akong sa'king paboritong palabas

Parang nagbigay sa'kin ng kakaibang lakas

Hangga't dinatnan ako ng antok, tila hapo na

Isang araw ang nagtapos na puno ng ganda

Saturday 09/29/12

Tttttttt
Ang sarap matulog lalo na sa aarw ng pahinga!

Sa malabo't malinis kong kama kay sarap humiga

Mga libangan na gusto kong gawin

tila nag-uunahan ng ako;y tumingin

 

Manood ng telebisyon, ang aking hilig

Gayunman sa kompyuter ako'y maligalig

Tila walang katapusan upang maglibang

Sa labis na kagalakan ako'y nahihibang

 

Takdang Aralin di dapat kalimutan,

Siyang susi ko pagdating ng markahan

Ang kaalaman ay yamang maituturing

Regalo na maylalang tinatanggap kong mariing

 

Halika Mahal long kapatid!

Turuan ka't iyong ambatid

Sa matematikong lubhang nakasisiya

Asignatura sa aking nagpapaligaya

 

Pagsapit ng gabi

Ika'y mapapangiti

Sa isang araw na lumipas

na mas masarap pa sa sopas

 

Friday 09/28/12

Frff
Tunog ng Orasan ang siyang gumising

Mula sa aking pagkahimbinig

Buong pusong nanalangin,

Kahilingan ko'y dinggin

 

Sa aking pagpasok, Bilin ni Inay aking dala-dala

Mga turo at aral kailanma'y di nawawala

Isang matematikong pagsusulit ang naganap

Mga kasagutan unti-unti kong nahahanap

 

Palaisipan sa aking wari ko'y nagtatatnong

Ang akaalaman na dapat punan sa bawat saknong

Marahil ito'y hindi isang pahulaan

Tagisan ng kalinuha't kaalaman

 

Umuwi akong may kagalakan

Ngiing Kailanma'y di matatawaran

Sa aking pagtulog muli akong nagpasalamat

Magagawa lahat kapaga si Hesus ay kaakibat

Thursday 09/27/12

800px-auto_racing_white
Muli kong nasilayan ang Bukang liwayway,

Munti kong panaginip saki'y di mawawalay,

Nagdasal ako ng mataimtim, Panginoon nawa ako'y gabayan

Sa pagtungtong ko sa paaralan, sa paglakad ko'y sabayan

 

Isang mahabang pagsusulit,

Sa hirap ako'y namilipit 

Ngunit mga katanungan binigyang kasagutan

Pagsubok na di rin nagtagal aking nalampasan

 

Sa aking paghihintay sa sundong paparating

Mga Kamag-aral ni Sean sa kanilang bahay ay nagsipagdating

Nagtapos ang araw ng maraming takdang aralin

na aking sasagutin upang marka'y makamtin

Posterous theme by Cory Watilo